Ang Aming Mga Manunulat

Tingnan lahat

Mga artikel na isinulat ni Kirsten Holmberg

Tumatatag Na Pananampalataya

May isang pananaliksik ang lumabas kamakailan lamang kung saan tinanong ang ilang mga tao tungkol sa pananaw nila kung anong edad kaya maituturing na isang ganap na matanda na ang isang tao. Sinasabi ng ilan na matanda na sila kapag ang mga bagay o interes at pag-uugali ay iba na sa mga nais ng kabataan.

Halimbawa rito ay ang pagkakaroon…

Tapat Na Pangako

Habang umaakyat ng bundok, natagpuan ni Adrian ang sarili niyang napapalibutan ng mga ulap. Nasa bandang likuran niya ang sinag ng araw. Kaya naman, hindi lamang anino niya ang nakikita niya kundi ang napakaganda at napakaliwanag na Brocken spectre. Tulad nito ang isang bahaghari na pumapalibot sa anino ng isang tao. Nagaganap ito kapag ang sikat ng araw ay nasasalamin…

Pakinggan Siya

Habang buhat-buhat ng isang tatay ang kanyang anak, umaawit siya at hinehele ito. Pero may problema sa pandinig ang bata. Dahil dito, hindi naririnig ng bata ang pag-awit ng tatay niya. Gayon pa man, patuloy pa rin na umaawit nang may pagmamahal ang tatay sa anak niya kahit hindi ito makadinig. Nakangiti naman ang munting bata sa pag-awit ng tatay…

Bigat Na Dinadala

Nagpalaro si Karen na isang guro sa kanyang mga estudyante. Tinawag niya ang larong ito na “Baggage Activity” na kung isusulat ng mga estudyante sa isang papel ang kanilang mga nararamdamang kasalukuyang nagpapahirap sa kanila. Ginawa ni Karen ang larong ito upang maunawaan ng kanyang mga estudyante ang isa’t isa.

Hindi man alam ng mga estudyante niya ang mismong nagsulat ng…

Ang Kahalagahan Ng Pahinga

Natuklasan na rin sa wakas ang kasagutang matagal nang hinahanap. Ayon sa pag-aaral, ang pagpapahinga at pagbabakasyon ay isa sa mga paraan para humaba ang buhay ng tao.

Mas mababa ang naitalang namatay sa grupo ng taong naglalaan ng oras para magpahinga sa kabila ng pagiging abala nila sa pagtatrabaho.

Ang pagtatrabaho naman ay isang bagay na ipinagkatiwala sa atin…